Liway

Ni: Leonardo Reyes

Ikaw pa rin ang ugoy ng panaginip,

Ikaw pa rin ang nag lalagay ng ilaw sa mga tala,


Mga tala,

Mga katiting na liwanag bago mamukadkad ang hiling.


hirang,


Dumilim ang langit noong gabi na umalis ka,

Sinipol ng hangin ang paborito mo'ng kanta,

Umindayog ang mga dahon ng bougainvillea at agoho,

Hindi kumikilala ng paglisan ang mga halaman, ika nga.


Ngayon nararamdaman ko pa rin ang init ng yapos mo

Tuwing kumakaluskos ang mga tuyot na dahon,


Wala na ang awit pero nanatili ang himig.


Nagsasabay sa di mapaliwanag na armonya ang tinig ng alaala

At ang katahimikan ng pangungulila sa sita rin'g alaala.


Ang suyuin ang teleponong gustong sagutin kahit walang tumatawag,

Ang paglamig ng kape para lang gumugunita sa init na minsan nanahan sa 'kin mga kamay.


Balada ng pangungulila ang katahimikan,

Dito nagpupumilit umidyak ang puso ko'ng kapos sa tiyempo.


Gayunpaman, ang maibabalik ko sa umpisa,

Pipiliin ko pa ring matutunan ang tunog ng boses mo

Hanggang sa pagdeklara nito ng pamamaalam.


Lilipas din naman ang gabi,

Hindi ko hahayang masupil ang kadiliman ang ligayang minsan natin pinag-saluhan.


Sapat nang minsan kang lumagi sa'king ngiti.


Ikaw pa rin ang umaga,

Sa kabila ng mahabang gabi,


At ang ibig sabihin ng pag litaw ng araw ay "Salamat".


Follow him on Instagram: https://www.instagram.com/lrbasyang/


14 views0 comments

Recent Posts

See All