Ano ba kayo?






Bakit ka nag settle sa walang label? Bakit mo hindi mo nalang hinintay na siya mismo mag bigay sayo ng label? Hindi yung label na ‘boyfriend-girlfriend’ agad. Pero bakit hindi mo nalang hinintay na ligawan ka? Bakit ka nakuntento sa “masaya naman tayo sa ganito, diba?” Kung gusto ka, liligawan ka. No whys no buts. Kung mahal ka, liligawan ka. Kung gusto ka talaga, hindi ka sana nagtatanong ngayon kung ano ba talaga kayo o kung may karapatan ka ba sakanya. Kung gusto ka talaga dapat mararamdaman mo yun. Dapat ang tanging tinatanong mo nalang sa sarili mo ngayon eh kung kailan paano at saan mo siya sasagutin para gawing official kung anong meron kayo ngayon.


Wag mo na masyado iromanticize yung masaya naman kayo sa ganyan. Kung di ka kayang panindigan bilang taong gusto nya. Bakit ka pa nasa ganyang sitwasyon? Wag mo panghinayangan alisan yung tao na naduduwag ibigay sayo yung mga bagay na dapat nasayo. A day or two, magugulat ka nalang na hindi mo na kailangan hingin yun sa taong totoong gusto ka. May mas ikaka saya ka pa kesa sa nararamdaman mo ngayon. May mas ililigaya ka pa. Wag mo hayaan pangunahan ka ng takot. Ano bang mas masarap pakinggan pag tinanong siya ng “ano mo siya?” Yun bang “wala, special someone” o “nililigawan ko”


Author: Shen Reyes

29 views0 comments

Recent Posts

See All