Ang Balat ng Chicken Joy

Ni: Tj Balingit

Ako nga pala si TJ

Minsan tao, minsan kalabasa

Pampalinaw daw ng mata

Pero madalas na-e-echapwera

Kapatid ko pala si Son Goku

Isa ako sa mga Super SAYANG

Minsang naniwala sa kapangyarihan ng KAME... KAME... KAMI NA RIN SA WAKAS!


Nasubukan mo na bang magmahal ng sobra?

'Yong sobrang sobra, yong tipong wala ka nang tinira para sa sarili mo

Ganon din naman ang taong minahal mo...

Kaso hindi nga lang sayo


Ako yong tipo ng tipo ng lalaki na hindi kagwapuhan

Ako yong tipo ng lalaki na medyo may katabaan

Ako yong tipo ng lalaki na hindi mo babalik-balikan ng tingin

Hindi ako yong tipo ng lalaki na may ABS para gustuhin mong haplusin


Pero, ako yong tipo ng lalaki na kayang i give up yong balat ng manok ko para sayo

Ang sarap kasi pakinggan ng tunog nito

Hindi ko man narinig ang "I love you" mo

Siguro sapat na ang tunog ng balat na binigay ko sayo


Simula nang nakilala kita, natuwa ang mama ko sa akin

Palagi na kasi akong nag-vo-volunteer magbantay sa tindahan namin

Alam mo na, para makakupit ng pangkain natin


Oo, alam kong masamang mangupit, pero sabi kasi ng mama ko "go with what makes you feel happy"

So, I decided to be with you, even if it leaves my wallet empty...


Haay! Naaala ko na naman...

Ang mga panahong nagdaan

'Yong mga panahong ang palagi kong ulam ay gravy at laman

'Yong mga panahong lagi ka pang andiyan

Pero hindi pala lahat ng bagay ay nasusuklian

Hindi mo na maibabalik ang balat na humiwalay na 'to sa laman


Dumating ang araw na kinakatakuan ko

Biglang hindi mo na inaagaw ang balat ng manok ko

Kahit na magkusa akong maglagay sa plato mo

Hindi mo na rin tinitikman to


Yon pala, mas gusto mo 'yong ferrero na binibigay niya sayo

Kung alam ko lang na tsokolate pala ang gusto mo

Madaming chocnut sa tindahan, sana sinabi mo!

Kaso lumisan ka sa paraang gusto mo


Kasabay nito, nilisan ko din ang Jollibee

Kinalimutan ko ang mga signs

Nag McDo muna ako

Baka sakaling sa pag ngat-ngat ko ng French Fries may magsabi sa aking "Love ko to"


Pero, kung dumating man ang araw na expired na ang mga tsokolateng galing sa kanya

At sa akin ay maisip mong bumalik pa

Pasensya na pero hindi ko na kayang ibigay ang balat ng manok ko para sa'yo!

Mas gugustuhin ko pa ang mag 2pc chicken kesa sa pagmamahal mo!


Ang punto lang nitong aking tula ay, kung labag na nga sa loob ang ibigay ang balat ng manok sa taong mahal mo

Paano pa kaya ang biro na gawing probinsya ng ibang bansa ang lupang sinilangan mo.

14 views0 comments

Recent Posts

See All

Liway